Nakumpiska ng mga otoridad ang 57 sako ng imported na sibuyas sa Divisoria, Maynila dahil sa paglabag sa Food Safety Act.
Nagsagawa ng inspeksyon ang mga tauhan ng Department of Agriculture (DA), Bureau of Plant Industry (BPI), Bureau of Customs, at Philippine Coast Guard sa mga ibinebentang sibuyas sa palengke.
Dinala naman sa BPI Quarantine Office ang mga nakumpiskang sibuyas.
Samantala, mahaharap sa kaukulang kaso ang mga may ari ng sibuyas.