Arestado ng mga otoridad ang 58 indibidwal kabilang na ang isang Barangay Tanod matapos ikasa ang buy-bust operation sa Town and Country Subd., Brgy. Burol 1, Dasmariñas City, Cavite.
Ayon sa mga otoridad, ikinasa ang operasyon sa magkakahiwalay na lugar kung saan, narekober ang mahigit P206K na halaga ng shabu na may timbang na 30 grams.
Nahaharap ngayon sa kasong paglabag sa RA 9165 o Dangerous Drugs Act of 2002 ang mga naarestong suspek. —sa panulat ni Angelica Doctolero