Nagsagawa ng simulation activity ang Department of Education (DepEd) sa Sta. Catalina Matanda Elementary School sa San Ildefonso, Bulacan.
Ito’y para sa nakatakdang pagpapatupad ng limited face-to-face classes sa Pebrero 21.
Aabot sa 58 mag-aaral ang lumahok sa naturang simulation aktibidad.
Habang aabot naman sa kabuuang 327 mag-aaral na magbabalik-eskuwela para sa pagsisimula ng face-to-face classes.
Tiniyak naman ng pamunuan ng paaralan na fully vaccinated ang mga teaching at non-teaching personnel na kalahok sa in-person classes.