Umabot na sa 58 katao ang nasawi dahil sa dengue sa Western Visayas at Central Visayas simula noong January 1 hanggang May 28.
Batay sa tala ng Department of Health (DOH), 38 rito ay mula sa Central Visayas habang 20 sa Western Visayas.
Nasa 2,065 naman ang kaso ng dengue mula noong January 1 hanggang May 28 sa Western Visayas na kung saan ay mas mataas ng 149% kumpara sa 828 na kaso na naitala noong nakaraang taon.
Una nang nagbabala ang mga lokal na pahalaan sa posibleng pagsirit ng dengue cases sa naturang rehiyon lalo na ngayong tag-ulan.