Nabakunahan na kontra Covid-19 ang 58% ng mga kabataang edad dose hanggang disi-siyete sa Pilipinas.
Kasabay ito ng nalalapit na pagdaraos ng bakunahan para naman sa mga edad anim hanggang labing-isa na magaganap sa unang linggo ng Pebrero.
Ayon kay Dr. Mary Ann Bunyi, presidente ng Pediatric Infectious Disease Society of the Philippines, karamihan sa mga nabakunahan ay nakaramdam ng mild na epekto habang nagkaroon ng multi-system inflammatory syndrome ang iba pa.
Nitong Oktubre nagsimula ang bakunahan sa nasabing age group kung saan nasa sampu punto pitong milyon ang target mabakunahan. —sa panulat ni Abby Malanday