Inanunsiyo ng Department of Health (DOH) na umabot na sa 589 ang bilang ng mga pasyente na kasalukuyang ng kritikal ang kalagayan sa mga ospital bunsod ng COVID-19.
Batay sa datos ng DOH, 481 sa 2,630 ICU beds na ang okupado.
Mababatid na nakapagtala ng karagdagang 2,091 na bagong kaso ng COVID-19 sa bansa mula Hulyo a-11 hanggang hulyo a-17.
Samantala, iniulat din ng ahensya na mayroon nang isang nasawi bunsod ng nakamamatay na virus.