Obligadong magkasa ng contingency plan ang mga paaralang kasali sa pilot implementation ng limitadong face to face classes, sakaling mag positibo sa COVID-19 ang sinumang estudyante o guro.
Ayon ito kay Education Secretary Leonor Briones, bilang bahagi aniya ng mekanismo sakaling dapuan ng virus ang mga estudyante, guro o sinumang school personnel.
Muling pinayapa ni Briones ang mga magulang na takot isabak ang kanilang mga anak sa limited face to face classes na inaasahang magsisimula sa Nobyembre 15.
Sa ngayon ay nasa 59 na eskuwelahan ang pumasa sa risk assessment ng Department of Health para sa pilot implementation ng limited face to face classes.