Limampu’t siyam sa dalawang daan at walumpu’t anim na overseas Filipino workers na nagpa-rehistro para sa voluntary mass repatriation sa Lebanon ang hindi pinayagang makabalik sa Pilipinas.
Ito ay kaugnay pa rin sa tumataas na tensyon sa pagitan ng Israeli defense forces at Lebanese militant group na Hezbollah.
Ayon kay Philippine Ambassador to Lebanon Raymond Balatbat, hindi pa tapos ang kontrata ng mga naturang OFW kaya’t hindi sila pinahintulutang makaalis ng Lebanon.
Gayunpaman, nakikipag-ugnayan na ang mga opisyal ng Pilipinas sa Lebanon upang mabigyan ng tulong ang mga Pilipinong gustong makauwi sa Pilipinas.