Kinumpirma ng Department of Foreign Affairs na mayroon pang 59 na mga Pilipino sa buong mundo ang nahaharap sa death row.
Sinabi ni Foreign Affairs Undersecretary Eduardo De Vega, na hindi lamang mga OFW o contract workers ang may kaso sa ibang bansa o nahaharap sa parusang kamatayan.
Sinasabing ilan sa kanila ay mga Pilipino na parte ng “military activities” Laban sa Malaysian authorities sa Sabah, Malaysia.
Gayunman, tiniyak ng DFA na binibigyan ng proteksyon ng gobyerno ang mga Pilipinong nasa death row, kabilang ang paglalaan ng abogado habang ang iba ay patuloy na inaapela ang kanilang kaso. – Sa ulat ni Gilbert Perdez (Patrol 13)