Iginiit ng 59 na umano’y ka pamilya at supporter ng Maute group ang kasong rebelyon na isinampa ng pamahalan laban sa kanila.
Sa affidavit ng mga respondent mahigpit na itinanggi ng mga ito na supporters sila ng Maute at ipinabatid na recruit sila bilang MNLF members at integree sa AFP.
Binigyang diin pa ng respondents na naniniwala sila kay Nur Sapian na ire recruit sila bilang miyembro ng MNLF at walang kaalam alam na isasabak sila sa kaguluhan sa Marawi City.
Samantala binigyan naman ng hanggang August 18 ng Panel of Prosecutors si Supian para magsumite ng kaniyang kontra salaysay.
May hanggang bukas naman, August 16 ang Western Mindanao Command para magsumite ng dagdag na pleading o dokumento kabilang ang certification ng MNLF na nagsasabing hindi nila miyembro ang mga respondent.