Pumalo na sa 1,149,925 ang kabuuang bilang ng mga dinapuan ng COVID-19.
Ayon sa Department of Health (DOH), ito’y makaraang maitala ang karagdagang 5,979 na mga bagong kaso ng virus.
54,235 naman ang nananatiling aktibo sa COVID-19 sa bansa.
Sa kaparehong datos, umabot na rin sa 1,076,428 ang bilang ng mga gumaling sa COVID-19, makaraang gumaling ang karagdagang 6,602 na indibidwal.
72 naman ang bagong bilang ng mga nasawi dahil sa virus kaya’t lumobo na rin ang kabuuang bilang nito sa 19,262.