Mamamahagi ng P5,000 cash allowance ang Department of Education (DepEd) para sa lahat ng mga guro sa muling pagbubukas ng klase sa Agosto 22.
Ayon kay DepEd spokesperson Michael Poa, ito ay makatutulong para sa karagdagang gastos ng mga teacher.
Nilinaw rin niya na hindi magmumula sa Maintenance and Other Operating Expenses (MOOE) ng paaralan ang pondong gagamitin sa nasabing assistance.
Samantala, tiniyak ni Poa na lahat ng mga guro ay makatatanggap ng naturang ayuda.