Inihayag ng Philippine Overseas Employment Administration (POEA) na may 5,000 Overseas Filipino Workers (OFWs) ang pupunta sa Taiwan sa susunod na linggo.
Ito’y para lamang sa mga manggagawang may hawak na ng visa bago ang deployment ban na ipinataw ng Taiwan noong nakaraang taon.
Samantala, pinaalalahanan ni POEA Deputy Administrator Villamor Plan, ang mga OFW na ang mga gastos na may kinalaman sa quarantine protocols ay sasagutin ng employer o ng recruitment agencies.
Gayunpaman, ang mga migranteng manggagawa ay dapat sumailalim sa quaratine sa loob ng 14 na araw at self-health monitoring bago pumunta sa kanilang mga lugar ng trabaho. —sa panulat ni Kim Gomez