Kinakailangang maabot ang limang milyong pagbabakuna kada linggo para magamit ang lahat ng suplay ng bakuna kontra COVID-19.
Ayon ito kay General Restituto Padilla, spokesperson ng National Task Force against COVID-19 kung saan ang target na vaccinations ay para sa herd immunity sa gitna ng mga reklamo nang mabagal na proseso nang pagbabakuna sa bansa.
Gayunman, sinabi ni Padilla na mas mabuti kung magagawang isang milyong pagbabakuna kada araw.
Inamin ni Padilla na kulang ng vaccinators sa ilang lugar dahil ang ilang health workers ang ginamit muna sa COVID-19 response kasunod nang pagtaas pa ng kaso ng COVID-19 sa bansa.