Inihayag ng Department of Health (DOH) na ido-donate ng Pilipinas sa Myanmar ang 5M doses ng Sputnik v COVID-19 vaccine na nakatakda nang mapaso.
Ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, patuloy ang pagkikipagugnayan ng Pilipinas sa mga awtoridad sa Myanmar hinggil dito.
Sinabi naman ni acting presidential spokesperson Martin Andanar na isinasagawa na ang legal documentation processes para sa delivery mga donasyong bakuna sa Myanmar.
Maaalala na una nang sinabi ng malacanang na itutuloy nito ang planong i-donate ang mga sobrang bakuna na malapit nang ma-expire sa ibang bansa.
Samantala, hindi pa naman nagsisimula ang pakikipag-usap ng pilipinas sa gobyerno ng Papua New Guinea na isa rin sa target na mabigyan ng mga nasabing bakuna. – sa panulat ni Mara Valle