Humihingi ng 5 milyong pisong ransom ang armadong grupo na dumukot sa dalawang babaeng pulis na kinilalang sina PO1 Benie Rose Alvarez at PO1 Dinah Humawad sa Patikul Sulu.
Ito ang kinumpirma ni Philippine National Police Chief Director General Oscar Albayalde matapos aniya nila makausap ang mga kidnappers sa tulong ng mga lokal na opisyal sa Sulu.
Gayunman, nanindigan si Albayalde na hindi sila magbabayad ng ransom dahil taliwas ito sa polisiya ng pamahalan.
Sinabi naman ni Albayalde na nagpadala na rin ng patunay ang mga kidnappers na buhay pa ang dalawang dinukot na pulis.
Isa sa mga suspek sa pagdukot sa mga pulis sa Sulu patay sa engkwentro
Patay ang isa sa mga suspek sa pagdukot sa dalawang babaeng pulis sa Patikul Sulu.
Ito ay matapos maka-engkwentro ng militar ang grupo ng mga kidnappers nang kanilang tangkaing iligtas ang mga biktima na sina PO2 Benie Rose Alvarez at PO1 Dinah Gumahad
Ayon sa Armed Forces of the Philippines tumagal ng 15 minuto ang naging engkwentro sa Barangay Mauboh sa bayan ng Talipao.
Agad namang nagsitakas ang armadong grupo bitbit pa rin ang dalawang bihag na mga babaeng pulis.
Tatlong sundalo naman ang nasugatan sa engkwentro habang nagpapatuloy pa rin ang operasyon ng Joint Task Force Sulu para mailigtas ang mga bihag na pulis.
—-