Tinatayang 5 milyong Pilipino ang nakaranas nang paggamit ng iligal na droga, isang beses sa kanilang buhay.
Base ito sa isinagawang 2015 Nationwide Survey on the Nature and Extent of Drug Abuse ng Dangerous Drugs Board sa 5,000 respondents.
Ayon sa resulta ng survey, 4.8 milyong Pilipino o 6.1% ng populasyon na may edad 10 hanggang 69 ay pawang lifetime users o yung gumamit ng illegal drugs, minsan sa kanilang buhay.
Kabilang sa nasabing bilang ang halos 2 milyong kasalukuyang drug users o gumamit ng illegal drugs mula December 2015 hanggang February 2016.
By Judith Larino