Ngayong kaliwa’t kanan ang deklarasyon ng dengue outbreak ng mga LGU sa bansa, narito ang 5s strategy para makaiwas sa sakit.
Una, search & destroy – hanapin at sirain ang mga posibleng pamugaran ng lamok tulad ng mga bote, sirang gulong at iba pa na maaaring maipunan ng tubig.
Pangalawa, mag-self-protect – magsuot ng damit na may mahahabang manggas, mahahabang pantalon at maglagay ng mosquito repellant
Ikatlo, seek consultation – magpakonsulta sa doktor kung biglaang nagkaroon ng mataas na lagnat na tumagal ng mahigit dalawang araw, nakaramdam ng pananakit ng katawan, panghihina, pamamantal sa balat, sakit ng tiyan, pagdurugo ng ilong pagkatapos ng lagnat, pagsusuka, maitim na dumi, hirap sa paghinga, at sakit sa likod ng mata.
Ikaapat, support fogging in outbreak areas – suportahan ang fogging activities sa mga komunidad lalo na kung nagbabadya ang dengue outbreak.
At panghuli, sustain hydration – huwag kalimutang uminom ng sapat na tubig kapag may dengue, para maiwasan ang dehydration na dulot ng lagnat o pagsusuka. – Sa panulat ni Laica Cuevas