Naging matagumpay ang sold out concert ng Australian rock band 5 Seconds of Summer (5SOS) sa Pilipinas noong Sabado, Marso 12 na ginanap sa Mall of Asia Arena.
‘Electrifying show’ kung ilarawan ng mga concert goers at fans ang ipinakitang performance ng four-man band na kinabibilangan nila Luke Hemmings, Michael Clifford, Calum Hood, at Ashton Irwin.
Full of energy naman ang 5SOS fans na nakikanta, nakisayaw at nakitalon sa grupo.
Unang kinanta ng grupo ang ‘Hey Everybody‘, ‘Money’ at ‘Disconnected’, at tinapos naman ang show sa pagkanta ng ‘She’s Kinda Hot’ at ‘She Looks So Perfect’.
Labis naman ang paghanga at appreciation na ibinigay ng 5SOS sa kanilang Pinoy fans:
“You guys are one of the best crowds we’ve ever been to,” Ani Calum.
“I feel like we’ve been coming to the Philippines for a long time,” dagdag ni Luke.
“We’ve seen stuff online about you telling us to come here, so I’m sorry it took so long.”, na sinagot naman ng malakas na hiyawan ng Manila fans.
Napuno naman ng emosyon ang crowd nang kantahin ng grupo ang ‘Amnesia’, na mayroong halos 100 million views sa YouTube.
Photo: Screengrab from Instagram/Ashton Irwin (ashtonirwin)/5SOS