Ginugunita ngayong araw ang ika-limang anibersaryo ng tsunami na tumama sa Japan na ikinasawi ng halos 20 katao.
Sa harap ito ng ulat na libu-libo pa ring mamamayan ng Japan ang nananatili sa evacuation centers sa Fukushima Prefecture.
Tiniyak naman ni Prime Minister Shinzo Abe na bibilisan pa ng gobyerno ng Japan ang reconstruction sa mga nasira ng tsunami para maibalik na ang evacuees sa kanilang permanenteng tahanan.
Matatandaang sinira ng tsunami ang Fukushima Daiichi Nuclear Plant na sanhi ng isa sa pinakamalalang nuclear crisis sa kasaysayan.
By Ralph Obina
Photo Credit: Reuters