Aarangkada na mamaya, ganap na alas-2:00 ng hapon ang ika-limang sesyon ng Korte Suprema para sa oral arguments sa disqualification case laban kay Senadora Grace Poe.
Kaugnay nito, posibleng tapusin ngayong araw ng mga mahistrado ang pagtatanong kay Commission on Elections Commissioner Arthur Lim na siyang dumidepensa sa panig ng COMELEC kaugnay ng naging desisyon ng komisyon na ikansela ang certificate of candidacy (COC) ni Senator Grace Poe sa pampanguluhang posisyon dahil sa isyu ng citizenship at residency.
Matatandaang noong nakaraang Martes ay hindi natapos ni Associate Justice Francis Jardeleza ang interpellation nito kay Lim makaraang suspendihin muna ni Chief Justice Lourdes Sereno ang pagdinig makalipas ang 5 oras na pagtatanong.
Inaasahang muling sasalain ng mga mahistrado si Lim ngayong hapon.
*Details via Bert Mozo (Patrol 3)