Duda si Pangulong Bongbong Marcos sa ulat ng Philippine Statistics Authority (PSA) na umabot sa 6.1% ang Inflation rate o bilis ng pagtaas ng presyo ng mga bilihin at serbisyo, noong Hunyo.
Ito na ang pinakamabilis na paglobo ng inflation mula noong October 2018 na umabot sa 6.9%.
Wala namang ibinigay na paliwanag si Marcos kung bakit hindi siya kumbinsido sa numerong inilabas ng PSA para sa June inflation.
Gayunman, target anya ng pamahalaan ang 4% na inflation rate.
Samantala, aminado naman si Marcos na sadyang hindi kontrolado ng Pilipinas ang tumataas na presyo ng mga bilihin lalo’t mas umaasa ang bansa sa imported products kaysa locally produced.