Pinanatili ng World Bank ang GDP growth forecast nito para sa Pilipinas sa 6.4 percent ngayong taon at 6.2 percent para sa susunod na dalawang taon.
Sinabi ni Birgit Hansl, ang pangunahing economist sa World Bank na mananatiling malakas ang public consumption at ang paggastos ng pamahalaan sa mga susunod na taon at ito ay susuportahan ng mataas na remittance rate at mababang inflation rate.
Nilinaw din ni Hansl na kung agad ipapatupad ng bagong administrasyon ang infrastructure projects nito, maaari pang tumaas ang growth projection para sa susunod na dalawang taon.
By Katrina Valle