Napanatili ng Pilipinas ang posisyon nito bilang isa sa pinakamabilis lumagong ekonomiya sa Asya kasunod ng China.
Inihayag ito ni Socio-Economic Planning Secretary Ernesto Pernia matapos maitala ang 6.5 percent GDP o gross domestic product para sa ikalawang bahagi ng 2017, mas mataas sa 6.4 percent mula Enero hanggang Marso ng kasalukuyang taon.
Ayon kay Pernia, naungusan na ng Pilipinas ang 6.2 percent ng Vietnam at 5 percent ng Indonesia.
At bagamat wala pa anyang datos na inilalabas ang Malaysia at Thailand, sinabi ni Pernia na nakakatiyak siyang mas mataas pa rin ang sa Pilipinas.
Dahil dito, sinabi ni Pernia na nasa tamang direksyon ang ekonomiya ng bansa para masungkit ang target na 6.5 hanggang 7.5 GDP para sa buong taon ng 2017.
By Len Aguirre