Niyanig ng magnitude 6.5 na lindol ang eastern Indonesia.
Ayon sa US Geological Survey, natunton ang sentro ng lindol sa layong 3 kilometro sa silangan-timog silangan ng Sumba Region at may lalim na 30 kilometro.
Wala pang impormasyon ang Indonesian Disaster Mitigation Agency mula sa naturang lugar dahil naputol ang mga linya ng komunikasyon tulad ng satellite phone, cell phone at radyo.
Kaugnay nito, wala ring inilabas na tsunami warning ang mga seismologist matapos ang pagyanig.
By Jelbert Perdez