Sinisikap ng Department of Human Settlements and Urban Development (DHSUD) na masolusyunan ang nasa 6.5M na kakulangan ng bansa sa proyektong pabahay.
Sa Laging Handa Briefing sinabi ni DHSUD Asec. Avelino Tolentino, ito ang dahilan kung bakit pinatututukan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang konstruksyon ng one million housing units kada taon.
Giit ng DHSUD official, na hindi lamang nila nakikitang solusyon ang pagpapatayo ng six million housing units sa loob ng anim na taon, kundi naniniwala din silang maaari rin itong magdulot ng paglago ng ekonomiya ng bansa.
Timing aniya, dahil kasabay ito ng mga ginagawang hakbangin ng pamahalaan upang maka-ahon mula sa epekto ng pandemya. – sa ulat ni Jopel Pelenio (Patrol 17)