Anim hanggang walong bagyo lamang ang inaasahang papasok sa bansa sa unang anim na buwan ng 2016.
Ayon sa Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA), mas kaunti ito sa normal na nararanasan sa mga nagdaang taon dahil na rin sa umiiral na El Niño.
Posible rin umano na mas malalakas ang bagyong dumating sa bansa bagamat pataas naman umano ang magiging direksyon ng mga ito.
Kasabay nito, ibinabala ng PAGASA ang mas matindi pang tagtuyot sa 80 porsyento ng bansa pagsapit ng Marso o Abril.
By Len Aguirre