Aabot sa 6.8-M na halaga ng shabu ang nakumpiska ng mga otoridad sa lalaking suspek sa Talipao, Sulu.
Ito ay matapos ikasa ang buy-bust operation ng mga otoridad sa nabanggit na lugar kung saan, kinilala ang suspek na si Elmer Dalhadi Esmiraji o mas kilala sa alyas na “Totoh”, 24-anyos.
Nahaharap ngayon sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang inarestong suspek. —sa panulat ni Angelica Doctolero