Nakumpiska ng mga otoridad sa tatlong naaresto ang aabot sa 6.8 milyong pisong halaga ng iligal na droga sa Bongao, Tawi-Tawi.
Ayon sa regional office ng Philippine Drug Enforcement Agency-Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao, hinuli ang tatlong suspek matapos maaktuhang nagbebenta ng kilo-kilong shabu.
Dahil dito agad na nagkasa ng entrapment operation ang PDEA-BARMM na inasistahan ng Tawi-Tawi Provincial Police at 12th Marine Battalion of the Philippine Navy.
Nahaharap ngayon sa kasong prosecution for violation of the comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang mga naaresto. – Sa panulat ni Angelica Doctolero