Inaasahan ang tuloy-tuloy na paglago ng ekonomiya ng bansa.
Ayon sa Moody’s, inaasahang tataas sa 6.8 percent ang gross domestic product o GDP ng bansa para sa ikalawang bahagi ng taon.
Mas mataas ito kumpara sa 6.4 percent na naitala sa unang tatlong buwan ng 2017.
Nakikitang ang exports ng bansa ang pagmumulan ng mabilis na paglago ng ekonomiya.
Sinabi naman ni Socio Economic Planning Secretary Ernesto Pernia na di rin malayong maabot ng bansa ang 7 percent na GDP.
By Ralph Obina