Isinailalim na sa inquest proceedings sa pangunguna ni DOJ Senior Assistant State Prosecutor Juan Pedro Navera ang 6 na mga akusado sa nadiskubreng 2 shabu laboratory sa San Juan City noong Disyembre 23.
Ito’y matapos kasuhan ng NBI Task Force Against Illegal Drugs ng paglabag sa Section 5 at 8 ng RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang mga suspek na sina Shi Gui Xiong, Chen Wen De alyas Jacky Tan, Wu Li Yong alyas David Go, Abdullah Jahmal, Salim Arafat at Basher Jamal.
Matatandaang nadiskubre ng NBI ang shabu lab sa isang residential area sa Mangga Street sa Little Baguio San Juan City na nasundan ng ang isa pang shabu lab sa A. Bonifacio San Juan.
Nakumpiska sa naturang shabu lab ang mga equipment na gamit sa pagluluto ng shabu at ang mga finished product na umaabot sa 529 at 101.373 na kilo ng high-grade shabu na naka-repacked na sa mga bag sa magkahiwalay na raid na nakahanda na sanang i-deliver sa kanilang mga kliyente.
By: Meann Tanbio / Bert Mozo