Pinatutugis na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang apat hanggang anim na Arab nationals na nagpapakalat ng doktrina ng Islamic State of Iraq and Syria (ISIS) sa Mindanao.
Inatasan ng Pangulo si Defense Secretary Delfin Lorenzana na huwag hayaang kumalat ang naturang mga dayuhan dahil sa posibleng makapanghikayat ang mga ito gamit ang kanilang maling paniniwala.
Sinabi ng Pangulo na bagamat nakaalerto na ang Armed Forces of the Philippines (AFP) sa prisensya ng ISIS sa Mindanao, mahalaga aniyang mahuli agad ang mga dayuhan upang hindi na kumalat at lumipat pa ang impluwensya at karahasan ng mga terorista.
Lumalabas na nagpapanggap na mga iskolar na misyonaryo ang naturang mga Arab nationals ngunit iba naman ang itinuturo ng mga ito sa Mindanao.
By Ralph Obina | Report from Aileen Taliping (Patrol 23)
Photo Credit: Presidential Photo Release