Hinuli ng mga tauhan ng Southern Police District ang anim na suspek matapos makuhanan ng aabot sa mahigit P200,000 halaga ng iligal na droga sa ikinasang buy-bust operation sa barangay Bangkal, Makati City.
Ayon sa SPD, agad nilang inaresto ang mga suspek matapos positibong tanggapin ang buybust money mula sa mga pulis na nagpanggap na poseur buyer.
Nakuha sa mga suspek ang siyam na plastic sachet ng hinihinalang shabu na may street value na P217,000; pitong plastic sachet na naglalaman naman ng tatlumput limang gramo ng pinatuyong dahon ng marijuana na nagkakahalaga naman ng P4,200.
Nahaharap ngayon sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang mga inarestong suspek. —sa panulat ni Angelica Doctolero