Inaresto ng mga tauhan ng Eastern District Anti-Cybercrime Team (EDACT) ang anim na lalaking naaktuhang tumataya sa online sabong sa barangay Pinagbuhatan, Pasig City.
Kinilala ang mga suspek na sina Roger Altiche; Julius Francisco; Monddie Castrono; Rolando Belen; Noe Ronapo; at Manuel Pangos matapos isailalim sa surveillance at validation operations.
Batay sa imbestigasyon, nakatanggap ang mga otoridad ng reklamo mula sa isang concerned citizen hinggil sa mga indibidwal na talamak na naglalaro ng online sabong sa isang tindahan sa nabanggit na barangay na nagresulta sa kanilang operasyon.
Nahaharap ngayon ang mga suspek sa kasong paglabag sa Presidential Decree 1602 sa illegal gambling, in relation to Section 6 of Republic Act No. 10175 o ang “Cybercrime Prevention Act of 2012.”