Arestado ng mga otoridad ang anim na indibidwal kabilang na ang dalawang High Value Target at apat na street level individuals matapos ikasa ang operasyon sa isang drug den sa Upper Magsaysay Avenue, Baguio City.
Kinilala ang dalawang HVT na sina Juvilyn Reca Plaza, 36-anyos; at Mia Jane Noquilla Postre, 29-anyos.
Nahuli din sa operasyon ng mga tauhan ng Baguio City Police Station 2 at Philippine Drug Enforcement Agency-Cordillera sina Joseph Castano, 48-anyos; Paterson Anciano Domaino, 23-anyos; Bonsay Galman Ocampo, 36-anyos; at Rodel Sanchez Buhay, 23-anyos na huli sa aktong gumagamit ng iligal na droga.
Nakuha sa mga suspek ang isang small heat sealed transparent plastic sachet na naglalaman ng white crystalline substance na pinaghihinalaang shabu na may timbang na aabot sa limang gramo at may standard drug price (SDP) na P34,000.
Nakuha din sa mga suspek ang limang small transparent plastic sachets na naglalaman ng white crystalline substance na may kabuuang timbang na aabot sa 15.4 grams at may street value na nagkakahalaga ng P104,720; 15 piraso ng P1-K bill boodle money; limang piraso na iba’t ibang cellular phones; tatlong piraso ng improvised plastic tooters; anim na piraso ng assorted lighters; ilang piraso rin na gamit na aluminum foils; dalawang piraso ng gunting; isang maliit na black leather pouch; at dalawang piraso ng plastic containers.
Nahaharap ngayon sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 (Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002) Sec.5 (Selling), Sec. 6 (Maintenance of Drug Den), Sec. 7 (Visitors and Employees of Drug Den), Sec. 11 (Possession of Illegal Drugs), at Sec. 12 (Possession of Illegal Drug Paraphernalias).