Arestado ang anim na indibidwal sa magkahiwalay na buy-bust operation sa Taguig City at Parañaque City.
Kinilala ang mga naaresto na sina Marlon Piñon, 45-anyos, John Paul Villavicencio, 29-anyos, Norfajad Mulod utto, 21-anyos, Edmund Agduma Ugay, 32-anyos, Jerome Villaneda Callo, 45-anyos, at Anthony Sale Deto, 37-anyos.
Ayon kay Southern Police District (SPD) Director Brig. General Jimili Macaraeg, nakuha sa mga suspek ang 90.10 grams ng ‘shabu’ na nagkakahalaga ng ₱662,800, coin purse at marked money, isang caliber .45 firearm, magazine at pitong bala ng naturang baril at isnag sling bag.
Dinala na sa SPD Forensic Unit ang mga nakumpiskang epidensiya para sa chemical analysis at ballistics examination na gagamitin naman sa pagsasampa ng kaukulang mga kaso laban sa anim na suspek.