Para sa mga magulang na labis ang pag-aalala kung nakakaramdam ng hindi maganda ang kanilang mga anak lalo na ang pananakit ng ulo.
Narito ang anim bagay na dapat bantayan:
- Alamin kung ang sakit ng ulo ay may kasamang lagnat at stiff neck. Hindi makatingala, hindi kayang idikit ang baba sa dibdib at hindi kayang tumango. Kapag hindi ito kaya, dalhin sa Emergency dahil baka mayroong Meningitis ang bata.
- Matinding sakit ng ulo na hindi nawawala kahit uminom ng Paracetamol o Ibuprofen.
- Kapag ang sakit ng ulo ay may kasamang pagsusuka kahit wala namang lagnat o pagtatae. Maaaring viral infection o maaaring nauntog ng malakas ang bata at nagkakaroon ng mataas na pressure sa utak
- Kapag ang sakit ng ulo ay may kasamang pagiging antukin, hirap maglakad, hirap magsalita at kumilos.
- Kapag ang sakit ng ulo ay nagiging dahilan ng pagkagising ng bata sa gabi habang natutulog. Kailangang dalhin sa doktor ang bata.
- Kapag ang sakit ng ulo ay lumalala kapag humihiga ang bata. Senyales ito na tumataas ng pressure sa utak ng bata at kailangan matingnan agad ng doktor.