Sinelyuhan na nina Pangulong Rodrigo Duterte at Japanese Prime Minister Shinzo Abe ang 6 billion dollars na halaga ng mga bagong investment.
Ayon kay Trade Secretary Ramon Lopez, sinaksihan nina Pangulong Duterte at Abe ang paglagda sa 25 business agreements ng mga Philippine at Japanese firms.
Karamihan sa mga paglalagakan ng investment ng mga Japanese company sa Pilipinas ang manufacturing, shipbuilding, iron and steel, agribusiness, power, renewable energy, transportation at infrastructure industry.
Kabilang naman anya sa mga lumagda ang Steel Asia Manufacturing Corporation, Metro Pacific Investments, Hitachi at Itochu.
—-