Posibleng abutin ng anim na buwan hanggang isang taon bago ma-stabilize ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.
Ito ang paliwanag ni Philippine National Police (PNP) Police General Rodolfo Azurin Jr. sa mga kritiko ng pangulo sa gitna ng viral videos sa social media ng mga insidente ng krimen.
Ayon kay Azurin, aabutin ng nasabing panahon para magiging matatag ang administrasyong Marcos dahil nagkaroon ng pagbabago sa liderato kung paano reresolbahin ang mga problema.
Ito aniya ang dahilan kung bakit hindi natutuwa ang mga kritiko ng pangulo.
Samantala, umapela si Azurin sa mga nagpopost ng dating videos na huwag itong gawin sa halip ay tumulong na lamang sa gobyerno para mapabuti pa ang ekonomiya.