Aminado si DOH officer-in-charge Maria Rosario Vergeire na hindi pa napapag-usapan kung sino ang magiging kalihim ng kagawaran nang magkaroon sila ng pulong kasama si Pangulong Bongbong Marcos.
Ayon kay Vergeire, tuloy lamang siya sa pagtatrabaho hanggang sa makapili si Pangulong Marcos ng susunod na kalihim.
Pinatututukan anya ng pangulo ang pagtapos sa problema sa Covid-19 pandemic.
Nilinaw naman ni Vergeire na hindi rin sa kanya inialok ng Punong Ehekutibo ang pagiging DOH secretary pero aminadong may “reservations” sa pagtanggap nito.
Hulyo nang italaga si Vergeire bilang officer-in-charge ng kagawaran noong Hulyo, ilang linggo matapos manumpa bilang Pangulo si Marcos.