Anim na call center agents ang sugatan matapos maaksidente ang kanilang sinasakyang kotse sa Talisay City sa Cebu.
Ayon sa awtoridad, ang mga biktima ay nagmula sa isang out of town vacation at babalik na sana sa Cebu City nang maaksidente.
Batay sa imbestigasyon, tumama ang sasakyan sa guard rails ng tulay na nagresulta sa pagtaob ng sasakyan.
Samantala, lahat ng mga pasahero ay nasa maayos nang kalagayan.