Arestado ang anim na Chinese nang salakayin ang hinihinalang illegal gambling den sa San Lorenzo Village, Makati City.
Ayon kay NCRPO Chief Director Guillermo Eleazar, maayos na sumuko ang mga dayuhan nang pasukin ng mga otoridad ang bahay.
Nakuha sa lugar ang ilang mga computer set at cellphone units na pinaniniwalaang ginagamit sa sugal.
Dinala ang mga suspek sa Camp Bagong Diwa para sa booking.
Pinasisiyasat na sa Bureau of Immigration o BI kung ligal ang pagpasok ng naturang mga dayuhan sa bansa.