Anim (6) na opisyal ng Commission on Audit o COA ang pinakakasuhan at pinasisibak ng Office of the Ombudsman dahil sa pagtanggap ng sobra-sobrang kompensasyon mula sa LWUA o Local Water Utilities Administration kung saan sila nakatalaga.
Lumabas sa imbestigasyon ng Ombudsman na nilagdaan ng mga LWUA Executives and Letters of Instructions para sa pagpapalabas ng P25 milyong pisong bonus para sa COA officials mula 2006 hanggang 2010.
Inihalimbawa ng Ombudsman ang kaso ng machine operator ng COA na nakatalaga sa LWUA na nakatanggap ng P140,000 at isa pang P43,000 bonus noong November 2006.
Natuklasan rin ng Ombudsman na dalawang beses nakatanggap ng bonus ang mga COA officials noong Nobyembre, September at December 2007, September at December ng 2008 at March 2010.
Ang mga sinibak ng Ombudsman ay kinilalang sina State Auditors Juanito Daguno, Jr., Proceso Saavedra, Teresita Tam, Corazon Cabotage, Evangeline Sison at Vilma Tiongson, kasama sina data machine operators Violeta Gamil at Roberto Villa.
Ang mga nabanggit ay hindi na puwedeng mamasukan sa pamahalaan at tinanggalan na rin sila ng retirement benefits.
Maliban sa 6 na nabanggit, pinakakasuhan ng paglabag sa Anti Graft and Practices Act sina COA executives Edna Anical, Thelma Baldovino, Evelyn de Leon, Nestorio Ferrera, Zoharayda Obog, Ligaya Principio, Jesusa Punsalan at Paulino Sarmiento.
Samantala, ipinag-utos ni Ombudsman Conchita Carpio Morales ang 6 na buwang suspension without pay laban sa LWUA executives na sina Lorenzo Jamora, Wilfredo Feleo, Orlando Hondrade at Daniel Landingin dahil sa simple misconduct.
By Len Aguirre