Narekober ng militar ang 6 na Improvised Explosive Device (IED) matapos ang engkwentro sa mga miyembro ng Abu sayyaf sa Maluso, Basilan.
Ayon kay Major John Arvin Encinas, Western Mindanao Command, nagkataong kapwa nasa Barangay Calang Canas ang 68th infantry battalion at ang teroristang grupo kaya’t nagkaroon ng engkwentro na tumagal ng 20 minuto.
Ani Encinas, grupo ni Furuji Indama, lider ng abu sayyaf ang nakaengkwentro ng militar.
Wala namang naiulat na nasawi sa nasabing labanan.