Target ng Department of Agriculture (DA) na makapagpatayo ng aabot sa 6,000 kilometrong farm to market road.
Ito’y bago matapos ang termino ni Pangulong Noynoy Aquino sa darating na Hunyo 30 ng taong kasalukuyan.
Ayon kay Agriculture Secretary Proceso Alcala, layon nitong mapadali ang paglilipat ng mga produkto mula sa mga magsasaka at mangingisda patungo sa mga trading center at pamilihan.
Sa kasalukuyan, may naipagawa nang farm to market road ang administrasyon na aabot sa 4,000 kilometro.
Aabot sa P95 bilyong piso ang inaprubahang pondo ng Malacañang para sa Department of Public Works and Highways o DPWH kung saan nakalaan ang malaking bahagi nito sa produksyon ng palay, mais, high value crops at maging sa farm mechanization para sa modernong kagamitan sa pagsasaka.
By Jaymark Dagala | Monchet Laranio