Nasabat ng operatiba ng Bureau of Customs ang anim na kahon ng mga naka-boteng liquid marijuana sa NAIA o Ninoy Aquino International Airport.
Batay sa imbestigasyon, nagmula sa Romania ang kargamento at idineklara bilang “Ulei Cannabidoil Full Plant Extract”.
Ipadadala sana ang mga ito sa consignee na taga San Pablo City, Laguna.
Nakumpirma naman sa chemistry report ng Philippine Enforcement Agency na nagtataglay ang mga bote ng tetrahydrocannabinol. — ulat mula kay Raoul Esperas (Patrol 45)