Inihayag ni COMELEC Commissioner George Garcia na anim na presidential at apat na vice presidential candidates na ang kumpirmadong dadalo sa panel interviews ng Komisyon.
Kabilang sa mga lalahok na presidential bet ay sina dating Foreign Affairs Undersecretary Ernesto Abella, Labor Leader Leody De Guzman, former Defense Secretary Norberto Gonzales, Faisal Mangondato, Dr. Jose Montemayor Jr. at Senator Manny Pacquiao.
Habang sa vice presidential naman ay sina Rizalito David, Manny Lopez, Senate President Vicente Sotto III at Serapio Carlos.
Samantala, nagsabi naman si presidential candidate Vice President Leni Robredo at dating senador Ferdinand Bongbong Marcos Jr. Na hindi sila makakadalo sa panel interview.
Tiniyak naman ni Garcia na kahit konti ang makisali rito ay tuloy ang isasagawang panel interview.