Binabantayan ng DOH o Department of Health ang anim na pasyente mula sa Marawi City makaraang makitaan ng sintomas ng post-traumatic stress syndrome.
Ayon kay Health Secretary Paulyn Ubial, abbot nasa mahigit 30,000 katao mula sa Marawi ang sumailalim na sa kanilang pyschological debriefing.
Ani Ubial, simula nang mag-umpisa ang bakbakan sa lungsod ay kanila nang tinutukan ang kalagayan ng mga bakwit dahil sa hirap ng sitwasyon na kanilang pinagdadaanan.
Dahil dito, nanawagan na ang DOH sa ilang mga doktor at lokal na pamahalaan na tulungan sila sa kanilang mga hakbang upang masolusyunan ang problema sa pag-iisip ng mga nakaranas ng matinding trauma sa nangyayaring kaguluhan sa Marawi.
—-