Arestado ang 6 katao na hinihinalang nasa likod ng planong terror plot sa Brussels, kasabay ng pagsalubong sa Bagong Taon.
Nasamsam sa ginawang pagsalakay ng Belgian Police sa bahay ng mga suspek ang ilang computers, mobile phones at iba pang mga pasilidad na pinaniniwalaang ginagamit sa pagpaplano ng terror attack.
Una nang nadakip sina said at Mohammed na umano’y bahagi ng terror group o kaya naman ay protektor ng ilang Islamic State sympathizers.
Bago ito, ipinagpaliban ang traditional New Year’s Eve fireworks display sa nasabing bansa dahil sa pangambang sasabayan ito ng militant attack.
By: Meann Tanbio