Inaresto ng Chinese authorities ang 6 kataong sangkot sa paggawa at pagbebenta ng mga pekeng gatas ng mga sanggol na ginaya sa kilalang US brand na ‘Similac’.
Ayon sa Shanghai government ibinebenta ang mga pekeng infant formula sa 7 probinsya sa China.
Isa ito sa pinakabagong scandal na kinasangkutan ng China na may kinalaman sa food safety.
Matatandaang naging kontrobersyal ang melamine scandal sa China noong 2008 kung saan natagpuang may halong toxic industrial chemical na melamine ang ilan sa mga infant formula.
Tinatayang libu-libo ang mga naging biktima ng melamine scare kung saan higit sa 50,000 ang isinugod sa ospital habang 6 na sanggol naman ang namatay dahil sa kidney damage.
Batay sa report ay nakapagbenta na ng higit sa 17,000 cans at kumita ng halos 2.0 million yuan o katumbas ng higit sa P19 million.
Kasunod nito ay tiniyak naman ng mga awtoridad na walang dulot na pangamba sa kalusugan ang mga pekeng gatas.